Pagtahak ng Amerika sa parehong direksyon kasama ang Tsina, inaasahan ni Qin Gang

2023-05-08 16:32:44  CMG
Share with:

Sa pakikipagtagpo ngayong araw, Mayo 8, 2023, kay Nicholas Burns, Embahador ng Amerika sa Tsina, sinabi ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, na pangangasiwaan ng kanyang bansa ang relasyong Sino-Amerikano ayon sa prinsipyo ng paggagalangan sa isa’t-isa, mapayapang pakikipamuhayan, at kooperasyon at mutuwal na kapakinabangang inilahad ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina.

 


Umaasa si Qin, na isasa-alang-alang ng Amerika ang sariling aksyon, at tatahak tungo sa parehong direksyon kasama ng Tsina, upang maibalik ang relasyon ng dalawang panig sa tumpak na landas.

 

Aniya, dapat igalang ng Amerika ang “bottom line” ng Tsina at itigil ang mga aksyong nakakapinsala sa soberanya, seguridad, at kapakanan ng bansa, partikular, sa paraan ng paghawak sa isyu ng Taiwan.

 

Diin niya, kailangang itigil ng Amerika ang pagsuporta sa “pagsasarili ng Taiwan.”

 

Nararapat pangasiwaan ng Amerika ang mga insidente at iba pang bagay sa relasyong Sino-Amerikano batay sa kalmado, propesyonal, at aktuwal pag-uugali para maiwasan ang muling pagbagsak sa relasyon ng dalawang bansa, saad ni Qin.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio