MOFA: walang puwang ang pagbuo ng eksklusibong alyansa

2023-05-09 16:12:56  CMG
Share with:


Ayon sa ulat, nag-usap nitong Mayo 7, 2023 ang mga lider ng Hapon at Timog Korea, at ipinasiya ng kapuwa panig na palakasin ang kooperasyong panseguridad ng dalawang bansa at kooperasyon nila ng Amerika, bilang tugon sa isyung nuklear at missile ng Hilagang Korea.

 

Kaugnay nito, sinabi Lunes ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na maliwanag ang ugat at kasaysayan ng isyu ng Korean Peninsula.

 

Aniya, walang puwang ang pagbuo ng eksklusibong alyansa at pag-udyok ng komprontasyon.

 

Dapat igiit ng iba’t ibang panig ang direksyon ng pulitikal na resolusyon, at magpunyagi para resolbahin ang makatarungang pagkabahala ng isa’t isa sa pamamagitan ng balanseng paraan, at ipagtanggol ang kapayapaan at katatagan ng Korean Peninsula.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil