Tianzhou-6 cargo spacecraft, matagumpay na inilunsad ng Tsina

2023-05-11 11:41:48  CMG
Share with:

Wenchang Spacecraft Launch Site, lalawigang Hainan sa timog Tsina – Matagumpay na inilunsad alas-9:22 ng gabi, Miyerkules, Mayo 10, 2023 ang Long March-7 Y7 carrier rocket, lulan ang Tianzhou-6 cargo spacecraft.

 


Halos 10 minuto pagkatapos nito, pumasok na sa nakatakdang orbita ang naturang cargo craft.

 

Isinalaysay ng China Manned Space Agency (CMSA) na ang Tianzhou-6 ay may dalang mga pangunahing kagamitan para sa mga taikonaut, maintenance components, application facilities at propellant para suportahan ang operasyon ng space station.


Inihatid din nito ang halos 70 kilogram na sariwang prutas para sa mga taikonaut na nananatili sa kalawakan.


 

Makaraang pumasok sa orbita, natapos na ng Tianzhou-6 ang status configuration, at dumaong na ito sa kombinasyon ng space station Huwebes ng umaga.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil