Tianzhou-6 cargo craft, nasa lunsaran na

2023-05-08 15:08:33  CMG
Share with:

Wenchang Spacecraft Launch Site, lalawigang Hainan sa timog Tsina – Inihayag, Linggo, Mayo 7, 2023 ng China Manned Space Engineering Office (CMSEO), na inilipat na sa lunsaran ang Long March-7 rocket,  lulan ang Tianzhou-6 cargo spacecraft.

 


Ilulunsad ang mga ito sa angkop na panahon sa malapit na hinaharap, anang CMSEO.

 


Ayon sa plano, magkahiwalay na ilulunsad ang Shenzhou-16 at Shenzhou-17 manned spaceship sa Mayo at Oktubre ng taong ito.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio