Konstruktibong pag-uusap ng mataas na diplomatang Tsino at pambansang tagapayong panseguridad ng Amerika, ginanap sa Vienna

2023-05-12 15:47:49  CMG
Share with:


Vienna, Austria – Nagtagpo mula Mayo 10 hanggang 11, 2023 sina Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Usaping Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), at Jake Sullivan, National Security Advisor ng Amerika.

 

Isinagawa ng kapuwa panig ang matapat, malalim, substansyal, at konstruktibong talakayan hinggil sa pag-aalis ng mga hadlang at pagpapatatag ng relasyong Sino-Amerikano.

 

Komprehensibong inilahad ni Wang ang solemnang paninindigan ng Tsina sa usapin ng Taiwan.

 

Nagpalitan din ng kuru-kuro ang magkabilang panig sa mga isyung panrehiyon at pandaigdig na gaya ng kalagayan ng Asya-pasipiko, Ukraine at iba pa.

 

Sumang-ayon silang patuloy na mabuting gamitin ang nasabing estratehikong tsanel ng komunikasyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio