CMG Komentaryo: Child labor, talamak pa ring problema sa Amerika makaraan ang mahigit 200 taon

2023-05-12 16:12:25  CMG
Share with:

Ayon sa Kagawaran ng Paggawa ng Amerika, milyun-milyong bata at kabataan ang inupahan ng mga industriya ng agrikultura, serbisyo ng pagkain, tingian, industriyang panlibangan, at arkitektura noong 2022, at karamihan sa kanila ay mga batang mandarayuhan.

 

Sinabi naman sa ulat ng Reuters na sapul noong 2018, lumaki ng halos 70% ang bilang ng mga ilegal na inupahang batang manggagawa sa Amerika.

 

Hindi nararamdaman ng nasabing mga menor de edad ang liwanag ng “sulo ng demokrasya” ng Amerika, at ito ay dahil sa butas sa sistemang pambatas ng bansa.

 

Kaugnay nito, ilang artikulong may kinalaman sa child labor ang inilakip sa domestikong batas ng Amerika dahil sa presyur ng progresong panlipunan noong unang dako ng nagdaang siglo.

 

Pero, sa halip na ipagbawal ang paggamit ng child labor, ginawa lamang ang ilang limitasyon – bagay na nagbigay ng lehitimong katuwiran sa ilang industriya sa pagkuha ng mga menor de edad.

 

Halimbawa, ipinagbabawal ng batas ng Amerika ang pagtatrabaho ng mga batang hindi pa umaabot sa 14 na taong gulang sa karamihan sa mga industriya maliban sa agrikultura.

 


Ipinakikita ng datos ng National Center for Farmworker Health (NCFH), isang pribadong non-profit organisasyon ng Amerika na 300,000 hanggang 800,000 libong menor de edad ang nagtatrabaho sa mga sakahan, at bahagi dito ay wala pa sa 10 taong gulang.

 

Mahaba ang oras ng kanilang pagtatrabaho, pero napakaliit ng kita, at isinasapanganib ng mga kasangkapan at makina sa trabaho ang kanilang buhay at seguridad.

 

Ayon sa ulat ng pamahalaang Amerikano, 100,000 batang manggagawa sa mga sakahan ang nasasaktan sa trabaho bawat taon.

 

Ang ugat ng isyu ng child labor sa Amerika ay sistemang busabos, at ito’y nagsisilbing bahagi ng sistematikong rasismo ng Amerika.

 

Hanggang sa kasalukuyan, ang Amerika ay siyang tanging bansa sa 193 kasaping bansa ng United Nations (UN) na hindi pa nag-aaproba sa Convention on the Rights of the Child.

 

Kung di-maaaring protektahan ng isang bansa ang karapatan ng mga bata, mayroon ba itong karapatan na pag-usapan ang karapatang pantao?

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio