Tripulante ng submarino, hinimok ni Xi Jinping upang maging espesyal na puwersa

2023-05-12 15:08:58  CMG
Share with:


Isang liham ang ipinadala kamakailan ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina sa mga tripulante ng isang submarino, kung saan hinimok niya silang tuluy-tuloy na pataasin ang kakayahan sa pagtupad ng mga misyon at tungkulin, at buong sikap na maging espesyal na puwersa na kayang tumupad ng lahat ng misyon.

 

Saad ni Xi, ang puwersa ng mga submarino na tumatakbo sa malalim na dagat ay nagsasabalikat ng maringal na misyon at malaking responsibilidad.

 

Sinabi niya sa mga tripulante na gawin ang mas malaking ambag, upang isakatuparan ang target na itinakda para sa sentenaryo ng People's Liberation Army (PLA) sa 2027.

 

Noong 2013, kinumusta ni Xi ang mga tripulante ng naturang submarino, at kasama niyang nananghalian ang mga ito.

 

Bilang sagot, isang liham ang ipinadala kamakailan ng mga tripulante kay Xi para ipahayag ang kani-kanilang determinasyon sa pagpapalakas ng pagsasanay, pagpapabuti ng paghahanda para sa labanan, at pagpapataas ng kakayahan para sa pagtatagumpay ng digmaan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio