Bagong panahon ng kooperasyon, magsisimula dahil sa CCAS

2023-05-15 16:06:48  CMG
Share with:

Mula Mayo 18 hanggang 19, 2023, gaganapin sa lunsod Xi’an, lalawigang Shaanxi, gawing gitna ng Tsina ang China-Central Asia Summit (CCAS), at ito’y pangungunahan mismo ni Pangulong Xi Jinping.

 

Maliban diyan, dadalo rin dito ang mga pangulo ng limang bansa ng Gitnang Asya na kinabibilangan ng Kazakhstan, Kyrgyzstan, Tajikistan, Turkmenistan at Uzbekistan.

 

Ito ang kauna-unahang offline summit ng mga lider ng anim na bansa nitong nakalipas na 31 taon, sapul nang maitatag ang kanilang relasyong diplomatiko, kaya naman nakatawag ito ng malawakang pansin mula sa komunidad ng daigdig.

 

Kaugnay nito, inihayag ng mga dalubhasa at iskolar ng 5 bansa ng Gitnang Asya at nakapaligid ng rehiyon na maituturing na milestone sa kasaysayan ng relasyon ng Tsina at mga bansa ng Gitnang Asya ang gaganaping CCAS.

 

Ipinalalagay nilang pasusulungin nito ang pagtaas ng relasyon ng kapuwa panig sa bagong antas, ibayo pang magpapalalim sa pragmatikong kooperasyon, maglalahad ng bagong blueprint ng relasyong Sino-Gitnang Asyano, at magpapasimula ng bagong panahon ng kooperasyon ng magkabilang panig.

 

Sa harap ng pabagu-bagong kalagayang pandaigdig, umaasa ang iba’t-ibang personahe ng maraming bansa na magpapalitan ng kuru-kuro ang mga kasaling panig hinggil sa mga mainit na isyung panrehiyon at pandaigdig, at isisigaw ang komong tinig sa pagtatanggol ng multilateralismo at magkakasamang pangangalaga sa kapayapaan at katiwasayan ng rehiyon at mundo.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio