Summit ng Tsina at Gitnang Asya, natamo ang masagana at substansyal na mga bunga

2023-05-20 17:33:50  CMG
Share with:

Sinabi kahapon, Mayo 19, 2023, sa Xi’an, lunsod ng lalawigang Shaanxi sa hilagang kanluran ng Tsina, ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng bansang ito, na ang katatapos na Summit ng Tsina at Gitnang Asya ay unang summit sapul nang buuin ang mekanismo ng kooperasyon ng dalawang panig noong 3 taong nakararaan, at bagong muhon sa kasaysayan ng relasyon ng Tsina at Gitnang Asya.

 

Sinabi ni Qin, na sa pamamagitan ng naturang summit, inilahad ng Tsina ang kumpleto at sistematikong patakarang diplomatiko nito sa Gitnang Asya, at mainit ang reaksyon dito ng mga bansang Gitnang Asyano.

 

Dagdag ni Qin, natamo ng summit ang masagana at substansyal na mga bunga, na gaya ng pagkakaroon ng pitong dokumentong kinabibilangan ng isang magkakasanib na pahayag at listahan ng mga bunga, at paglagda sa mahigit 100 kasunduang pangkooperasyon na sumasaklaw sa iba’t ibang aspekto.

 

Ipinalalagay din niyang, ang summit na ito ay nagbigay ng bagong lakas para sa pagpapalalim ng relasyong Sino-Gitnang Asyano, bumuo ng bagong plataporma para sa pagpapalawak ng pagpapalitan at pagtutulungan, nagbukas ng bagong prospek ng win-win situation, gumawa ng bagong ambag para sa pagkakapantay-pantay at katarungan ng daigdig, at lumikha ng bagong modelo para sa pagkakaisa ng mga umuunlad na bansa.


Editor: Liu Kai