Sa magkasanib na pahayag ng Summit ng Group 7 kamakailan, walang anumang salita na tulad ng “malugod na tanggapin” ang plano ng Hapon tungkol sa pagtapon ng radioactive wastewater ng Fukushima nuclear power plant sa dagat.
Sa halip nito, sinabi ng pahayag na “suportahan ang pagsasariling imbestigasyon ng International Atomic Energy Agency (IAEA).”
Nitong mahigit 2 taong nakalipas, ang plano ng Hapon tungkol sa paglabas ng radioactive wastewater sa dagat ay mahigpit na tinututulan ng mga mamamayang Hapones, mga kapitbansa tulad ng Tsina, Timog Korea, at mga isla sa Pasipiko. Hiniling nila na dapat tumpak na hawakan ng Hapon ang radioactive wastewater.
Noong panahon ng G7, ang demonstrasyon ay idinaos ng mga mamamayang Hapones sa iba’t ibang lugar ng bansa bilang protesta sa pamahalaan ng Hapon sa isyu ng paglabas ng radioactive wastewater sa dagat.
Ang pansiyensiyang pananaliksik ay nagpakita na ang paglabas ng radioactive wastewater sa dagat ay magdudulot ng sobrang laking kapinsalaan sa ekolohiyang pandagat at kalusugan ng sangkatauhan.
Hanggang sa kasalukuyan, hindi pa inilalabas ng IAEA ang pinal na ulat ng pagsuri sa kaso ng Hapon hinggil sa paglabas ng radioactive wastewater sa dagat. Ngunit ayon sa pamahalaang Hapones, matatapos ang proyektong hinggil dito bago ang katapusan ng Hunyo at isasagawa ang paglabas ng radioactive wastewater sa dagat sa katapusan ng Hulyo.
Salin:Sarah
Pulido:Ramil