AgriCon Ana: Mga kasunduang napirmahan, mahalaga para sa kooperasyong Pilipino-Sino sa hinaharap

2023-05-23 10:21:36  CMG
Share with:


“It will help in the agricultural development and food security of the Philippines. Iyon ang malaking kahalagahan ng mga pinirmahan noong Enero.”

 

Ito ang sinabi ng Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina na si Ana Abejuela kaugnay ng mga kasunduang napirmahan noong dalaw-pang-estado sa Tsina ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ng Pilipinas noong Enero, sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino-China Media Group (SF-CMG), Mayo 10, 2023.

 

Sa naturang dalaw-pang-estado, ang agrikultura ay naging isa sa apat na key priority area ng kooperasyong Pilipino-Sino, para magkasamang isakatuparan ang modernisasyong agrikultural.

 

Kabilang sa 14 na pinirmahang kasunduang pangkooperasyon ng dalawang bansa ang Joint Action Plan on Agricultural and Fisheries Cooperation (2023 -2025) at The Handover Certificate of Sino-Philippine Center for Agricultural Technology-Technical Cooperation Program Phase Ⅲ (PhilSCAT-TCP Ⅲ ).

 

Hinggil dito, sinabi ni AgriCon Ana na upang matupad ang naturang Joint Action Plan, ang mga mataas na opisyal mula sa Ministry of Agriculture and Rural Affairs (MARA) ng Tsina ay bibisita sa Pilipinas sa darating na Hunyo. Pag-uusapan ng mga opisyal ng Kagawaran ng Agrikultura (DA) at MARA kung anong mga proyekto ang magagawa mula ngayong taon hanggang 2025. Bukod dito, mayroon ding mga delegasyon ng mamumuhunan at mangangalakal na Tsino na darating sa Pilipinas at magkakaroon ang dalawang bansa ng business forum sa agrikultura.

 

Diin ni Ana, ang pagpapalitan at pagtutulungang agrikultural ng Pilipinas at Tsina ay nakakatulong sa kaunlaran, modernisasyon at food security ng Pilipinas.

 

Ulat: Kulas

Pulido: Ramil/Jade

Patnugot sa website: Kulas

Mga tanong: Kulas/Sissi/Jade

Panayam: Kulas

Cameramen: Kulas/Sissi/Liu Kai

Patnugot sa video: Kulas

Transcription sa panayam: Kulas

Espesyal na pasasalamat kina Gong Wanpeng at Cao Qi