“It’s always been alive. Buhay na buhay, that’s the term.”
Ito ang sinabi ng Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina na si Ana Abejuela kaugnay ng kooperasyong Pilipino-Sino sa agrikultura, sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino-China Media Group (SF-CMG), Mayo 10, 2023.
Sinabi ni Ana na, sa kabila ng pandemiya, nanatiling tuloy at maayos ang pag-export sa Tsina ng mga agricultural products ng Pilipinas.
“Kahit pandemiya o wala, mayroong trade nga between China and the Philippines sa agriculture and food, especially fresh fruits pa rin ang nangunguna,” paliwanag ni Ana.
Pinananabikan din niya ang maaliwalas na kinabukasan ng kooperasyong Pilipino-Sino sa pagsasaka.
“Maganda iyong cooperation between China and Philippines sa agriculture. Magandang maganda iyong pananaw,” diin ni Ana.
Ulat: Kulas
Pulido: Ramil/Jade
Patnugot sa website: Kulas
Mga tanong: Kulas/Sissi/Jade
Panayam: Kulas
Cameramen: Kulas/Sissi/Liu Kai
Patnugot sa video: Kulas
Transcription sa panayam: Kulas
Espesyal na pasasalamat kina Gong Wanpeng at Cao Qi