AgriCon Ana: Pagpapalalim ng kooperasyong agrikultural ng ASEAN-China, magdudulot ng benepisyo sa Pilipinas

2023-05-23 10:37:38  CMG
Share with:


“Any agreement of China with ASEAN, nakakakuha ng benefit ang Pilipinas. Malaking importansya ang binibigay namin sa ASEAN-China cooperation.”

 

Ito ang sinabi ng Agriculture Counsellor ng Pilipinas sa Tsina na si Ana Abejuela kaugnay ng kahalagahan ng kooperasyong agrikultural ng ASEAN-China sa Pilipinas, sa eksklusibong panayam ng Serbisyo Filipino-China Media Group (SF-CMG), Mayo 10, 2023.

 

Noong dalaw-pang-estado sa Tsina ni Pangulong “Bongbong” Marcos Jr. ng Pilipinas noong Enero, nagkasundo ang mga pangulo ng Pilipinas at Tsina na ibayo pang palakasin ang kooperasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng balangkas ng ASEAN-China comprehensive strategic partnership.

 

Ang taong 2023 ay ASEAN-China Year of Agricultural Development and Food Security Cooperation. 

 

Layon nitong ibayo pang pasulungin ang pagpapalitan at kooperasyong ASEAN-Sino, tungo sa magkasamang pagbibigay-ambag sa global governance of food and agriculture.

 

Ani AgriCon Ana, ang anumang kasunduan, programa, o partnership sa pagitan ng Tsina’t ASEAN ay nakakabenepisyo sa Pilipinas, kasi miyembro ang Pilipinas ng ASEAN.

 

Aniya, ang isang halimbawa ay ang ASEAN Plus Three Emergency Rice Reserve (APTERR).

 

Bilang isa sa mga pinaka-active na contributor sa APTERR, maraming beses na nagbigay ng donasyong bigas sa Pilipinas ang Tsina, saad ni Ana.  

 

Tinukoy rin ni AgriCon Ana na, noong Abril 25, ang senior undersecretary ng DA na si Domingo F. Panganiban ay lumahok sa pasinaya ng ASEAN-China Year of Agricultural Development and Food Security Cooperation na idinaos sa Beijing.  

 

Ipinakikita aniya nito ang walang patid na pagpapahalaga ng Pilipinas sa ASEAN-China cooperation.

 

 

Ulat: Kulas

Pulido: Ramil/Jade

Patnugot sa website: Kulas

Mga tanong: Kulas/Sissi/Jade

Panayam: Kulas

Cameramen: Kulas/Sissi/Liu Kai

Patnugot sa video: Kulas

Transcription sa panayam: Kulas

Espesyal na pasasalamat kina Gong Wanpeng at Cao Qi