Jakarta-Bandung High-Speed Railway, modelo ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta ng Tsina at mga bansa ng rehiyon

2023-05-24 15:37:02  CMG
Share with:


Inihayag Martes, Mayo 23, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina ang pananalig na sa ilalim ng magkasamang pagsisikap ng Tsina at Indonesia, tiyak na isasaoperasyon ang Jakarta-Bandung High-Speed Railway ayon sa nakatakdang iskedyul, at makakapagpabilis ito sa pag-unlad ng Indonesia at rehiyon.

 

Saad ni Mao, ang nasabing daambakal ay kauna-unahang proyekto ng high-speed railway ng Tsina sa ibayong dagat na ang buong sistema, mga elemento ng produksyon at industrial chain ay ipinagkaloob ng Tsina.

 

Ito aniya ang flagship project ng de-kalidad na kooperasyon ng Belt and Road ng dalawang bansa, at modelo rin ng pagpapalakas ng Tsina ng kooperasyong may mutuwal na kapakinabangan at win-win na resulta sa mga bansa sa rehiyon, batay sa simulain ng magkasamang pagtalakay, pagtatatag at pagbabahagi.

 

Magsisilbi itong kauna-unahang high-speed railway sa Indonesia at Timog-silangang Asya, dagdag ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil