Mas maraming pagkakataon ng pag-unlad, idudulot sa iba’t-ibang bansa ng dekalidad na kooperasyon sa ilalim ng BRI

2023-05-25 17:00:35  CMG
Share with:

Ipinahayag Mayo 22, 2023, ni Punong Ministro Hun Sen ng Kambodya na natamo ng kanyang bansa ang totoong benepisyo sa pamamagitan ng paglahok sa “Belt and Road Initiative (BRI).”

 

Aniya, malaking tulong ang ibinigay ng Tsina sa Kambodya sa pagtatayo ng mga esensyal na imprastrukturang tulad ng mga lansangan, tulay at iba pa.

 

Saad ni Hun Sen, walang anumang deklarasyon ng pakikipag-away ang inilabas ng Tsina, at hindi ito humahadlang sa pag-unlad ng anumang bansa.


Kaugnay nito, ipinahayag Mayo 24, 2023, ni Mao Ning, Tagapagsalita ng Ministring Panlabas ng Tsina, na hanggang sa kasalukuyan, binuksan ng BRI ang pinto ng higit sa tatlong-kapat ng mga bansa sa buong mundo, na lumikha ng 420,000 trabaho, at tumutulong sa mas mabilis na pag-unlad ng ekonomiya ng higit pang maraming bansa.

 


Ang mga mabungang tagumpay na ito ay nagpapatunay na ang BRI ay isang malawak na daang patungo sa magkakasamang pag-unlad, dagdag niya.

 

Kasabay ng pagsulong ng dekalidad na kooperasyon sa ilalim ng “BRI,” nananalig aniya siyang mas maraming pagkakataon ang idudulot pa nito para sa magkakasamang kasaganaan ng iba’t-ibang bansa.

 

Layon ng BRI na palakasin ang koneksyon at magkakasamang pag-unlad ng iba’t-ibang bansa, at ito’y isa nang matagumpay at popular na pandaigdigang pampublikong produkto at plataporma para sa pandaigdigang kooperasyon, paliwanag ni Mao.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio