CMG Komentaryo: Katotohanan kaugnay ng tsismis sa Tibet, lalabas din sa huli

2023-05-25 15:57:35  CMG
Share with:

Sa kanyang liham na pambati sa "2023 Forum on the Development of Xizang o Tibet, China” Mayo 23, 2023, sinabi ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina na “ang kaligayahan ng mga mamamayan ay ang pinakamalaking karapatang pantao, at ang kaunlaran ay susi para ihatid ang kaligayahan sa mga mamamayan.”

 

Matatandaang noong Mayo 23, 1951, naisakatuparan ang mapayapang liberasyon ng Tibet, at ang araw na ito ay naging makabagong simula ng rehiyon.

 

Matapos ang liberasyon, inilunsad ng Tibet ang demokratikong reporma – ito ang nagpalaya at naggarantiya sa karapatang pantao ng milyung-milyong alipin.

 

Ang garantiya sa karapatang pantao ang siyang nagtulak sa kaunlaran.

 


Kaugnay nito, ang rehiyonal na gross domestic product (GDP) ng Tibet noong 2022 ay lumaki ng halos 347 beses kumpara noong 1951.

 

Bukod diyan, tumaas sa mahigit 72 taon ang karaniwang haba ng buhay ng mga taga-Tibet, mula mahigit 35 taon sa simula ng mapayapang liberasyon; at bago ang mapayapang liberasyon, lumampas sa 95% ang illiteracy rate sa Tibet, pero sa ngayon, napawi na sa kabuuan ang kamangmangan, at komprehensibong naitatag ang sistema ng 15 taong edukasyong bayad ng pamahalaan.

 

Nitong nakalipas na dekada, lampas 80% ng kitang piskal ng Tibet kada taon ay inilaan sa pamumuhay ng mga mamamayan, at dahil dito, nabuo ang komprehensibong sistema ng seguro sa mga larangang gaya ng edukasyon, medikal, pangangalaga sa matatanda, at iba pa.

 

Noong 2019, sa ilalim ng puspusang suporta ng pamahalaang sentral, nakahulagpos ang Tibet sa lubusang kahirapan, at komprehensibong naitatag ang may kaginhawahang lipunan.

 

Sa kasalukuyan, pinapasulong ng Tsina ang modernisasyong Tsino, at nasa bagong simulang linya ang Tibet.

 

Kung paghahalu-haluhin ang sariling pag-unlad at pag-unlad ng estado, magkakaroon ng mas malaking pagtaas ang garantiya sa karapatang pantao sa Tibet, at magiging mas maganda ang pamumuhay ng mga Tibetano.

 

Sa bandanhg huli, lalabas din ang katotohanan sa likod ng mga tsismis na dumudungis sa imahe ng Tibet.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio