Espesyal na sugo ng Tsina at mga mataas na opisyal ng EU, nag-usap tungkol sa isyu ng Ukraine

2023-05-27 18:36:53  CMG
Share with:

 

Inulit ni Li Hui, Espesyal na Sugo ng Pamahalaan ng Tsina sa mga Suliranin ng Eurasia, na iginigiit ng Tsina ang obdiyektibo at walang kinikilingan na posisyon sa isyu ng Ukraine, at aktibong pinapasulong ang talastasang pangkapayapaan.

 

Winika ito ni Li sa kanyang pakikipagtagpo Mayo 25, 2023, sa Brussels, Belgium, sa mga mataas na opisyal ng European Union (EU), na kinabibilangan nina Frederic Bernard, puno ng Kabinete ng Pangulo ng European Council, at Enrique Mora, Pangalawang Pangkalahatang Kalihim ng European External Action Service.

 

Dagdag ni Li, sinusuportahan ng Tsina ang mga bansang Europeo, na palakasin ang kanilang estratehikong awtonomiya, at pag-ibayuhin ang pagsisikap para sa pangmatagalang kapayapaan sa kontinente ng Europa.

 

Binigyan naman ng mga opisyal ng EU ng mataas na pagtasa ang positibong papel ng Tsina para sa mapayapang paglutas ng sagupaan, at posisyon nito sa pulitikal na solusyon sa krisis ng Ukraine.

 

Nakahanda anila ang EU, kasama ng Tsina, na pasulungin ang mapayapang paglutas ng sagupaan, para maisakatuparan ang pangmatagalan at makatarungang kapayapaan sa Europa.


Editor: Liu Kai