Mga unang ginang Tsina at DRC, nagtagpo

2023-05-27 18:35:06  CMG
Share with:

 

Nakipagtagpo kahapon, Mayo 26, 2023, sa Beijing, si Unang Ginang Peng Liyuan ng Tsina, kay Denise Nyakeru Tshisekedi, asawa ng pangulo ng Democratic Republic of the Congo (DRC), na nasa Beijing ngayon para sa dalaw-pang-estado.

 

Sinabi ni Peng, na sa mula’t mula pa’y pinananatili ng Tsina ang pakikipag-ugnayan sa Organization of African First Ladies for Development, kung saan si Denise Nyakeru Tshisekedi ay pangalawang presidente, para pasulungin ang usapin ng kababaihan at kabataan. Kailangan aniyang ibayo pang palakasin ang kooperasyon ng dalawang panig.

 

Ipinahayag naman ni Denise Nyakeru Tshisekedi, na sa kasalukuyang pagdalaw, ang kasiglahan ng Tsina at kasipagan ng mga mamamayang Tsino ay nag-iwan ng malalimang impresyon sa kanya.

 

Umaasa aniya siyang, ibayo pang palalakasin ang pagpapalitan at pagtutulungan ng DRC at Tsina sa usapin ng kababaihan at kabataan, para magkasamang magbigay-ambag sa pagpapasulong ng pagkakaibigan ng Aprika at Tsina.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos