Ginaganap sa lalawigang Nakhon Nayok, gitang Thailand ang Ika-8 Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) School on Plasma and Nuclear Fusion.
Kasali rito ang mga dalubhasa mula sa 7 bansang kinabibilangan ng Tsina, Hapon at Pransya, para ipagkaloob ang propesyonal na pagsasanay sa mahigit 80 mananaliksik at estudyante mula sa mga bansang ASEAN at kapitbansa.
Sa pagtataguyod ng Thailand Institute of Nuclear Technology (TINT), binuksan ang nasabing 5 araw na pagsasanay Mayo 29, 2023.
Sa seremonya ng pagbubukas, inihayag ni Thawatchai Onjun, Executive Director ng TINT, na layon ng pagsasanay na palalimin ang pagkaunawa ng mga kabataang talento sa pananaliksik ng fusion energy, at palakasin ang kooperasyong akademiko ng mga kaukulang bansa.
Salin: Vera
Pulido: Ramil