China-ASEAN Senior Officials’ Consultation, gaganapin sa Shenzhen, Tsina

2023-05-23 16:06:04  CMG
Share with:

Isiniwalat Lunes, Mayo 22, 2023 ni Tagapagsalita Mao Ning ng Ministring Panlabas ng Tsina na mula Mayo 24 hanggang 26, gaganapin sa Shenzhen, Tsina, ang Ika-29 na China-Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Senior Officials’ Consultation.

 

Aniya, dadalo rito ang delegasyong pamumunuan ni Nong Rong, Asistenteng Ministrong Panlabas ng Tsina, at mangungulo sa pulong siya, kasama ni U Chan Aye, ASEAN-Myanmar SOM Leader ng Myanmar, ASEAN Country Coordinator para sa relasyon ng diyalogo ng ASEAN at Tsina.

 

Sa pamamagitan ng gaganaping konsultasyon, sasariwain at tatanawin ng kapuwa panig ang komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at ASEAN, lalong lalo na, ang kalagayan ng pagpapatupad ng mga komong palagay ng mga lider ng magkabilang panig, palalalimin ang pragmatikong kooperasyon sa iba’t ibang larangang gaya ng pulitikal na seguridad, kabuhaya’t kalakalan, lipunan, kultura, agrikultura, seguridad ng pagkain at iba pa, at pasisiglahin ang mas malaking positibong puwersa para sa katatagan at kaunlaran ng rehiyon, dagdag ni Mao.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil