CMG Komentaryo: Muling pagsasaayos ng kongreso ng Amerika ng debt ceiling, simula ng tunay na pagkabahala sa pamilihan

2023-06-02 18:12:46  CMG
Share with:


Pinagtibay Huwebes, Hunyo 1, 2023 ng Mababang Kapulungan ng Amerika ang debt ceiling bill para maiwasan ang debt default ng pamahalaang Amerikano, at ito ang ika-103 beses ng pagsasaayos ng kongresong Amerikano ng debt ceiling pagkatapos ng World War II.

 

Sa kasalukuyan, halos US$31.46 trilyon ang kabuuang halaga ng utang ng pamahalaang pederal, at ito ay katumbas ng mahigit 120% ng taunang Gross Domestic Product (GDP) ng bansa.

 

Ang datos na ito ay lumampas na sa US$31.4 trilyong debt limit ng bansa.

 

Magiging malungkot ang konsekuwensiya ng pagganap ng debt default ng Ameirka, at ang solusyon ng Amerika dito ay pagpapalugit ng dalawang taon ng pagkakabisa ng debt ceiling.

 

Ibig sabihin, maaaring pansamantalang hiramin ng Amerika ang utang sa kondisyon ng walang debt ceiling hanggang unang dako ng 2025.

 

Sa halip ng pagresolba sa ugat ng problema, ang solusyong ito ay pagpapalugit lamang ng kontradiksyon. Kung papasa ang debt ceiling bill, sisimulan ang tunay na pagkabahala sa pamilihan.

 

Bilang pinakamalaking ekonomiya sa mundo, ang tuluy-tuloy na pagbaba ng masususing ekonomikong indeks, pagsidhi ng panganib sa resesyon at ligalig ng industriya ng pagbabangko ng Amerika ay nagbunsod ng iba’t ibang kawalang katiyakan sa daigdig, at ang debt crisis nito na tumatagal ng ilang buwan ay nagbunga rin ng malubhang ligalig ng pamilihan.

 

Sino ang malubhang nagsasapanganib sa seguridad na ekonomiko ng daigdig? Ang sagot ay sa puso ng mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil