Mga aktibidad ng delegasyong Tsino sa Shangri-La Dialogue, nagpapakita ng pananaw na pangkapayapaan ng Tsina

2023-06-02 16:46:59  CMG
Share with:

Nitong nakalipas na ilang araw, sunud-sunod na dumating sa Singapore ang mga kinatawan ng mga organong pandepensa at panseguridad mula sa mahigit 40 bansa’t rehiyon, para dumalo sa taunang Shangri-La Dialogue na bubuksan sa Hunyo 2, 2023.

 


Nag-usap Huwebes, Hunyo 1 sina Li Shangfu, Kasangguni ng Estado at Ministro ng Tanggulang Bansa ng Tsina, at Ng Eng Hen, Ministro ng Depensa ng Singapore.

 


Ito ang unang aktibidad ng kasalukuyang biyahe ng delegasyong Tsino sa Singapore.

 

Nang mabanggit ang relasyon ng Tsina at Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), tinukoy ng ministrong Tsino na ang rehiyong Asya-Pasipiko ay komong tahanan natin, at ang kasaganaan at katatagan ay komong hangarin ng mga mamamayan ng iba’t ibang bansa.

 

Nitong nakalipas na ilang taon, paulit-ulit na inihayag ni Punong Ministro Lee Hsien Loong ng Singapore na ayaw ng Singapore na pumanig sa anumang panig sa pagitan ng Tsina at Amerika, at may napakahigpit at malawakang kooperasyon ang kanyang bansa sa kapuwa panig.

 

May komong palagay ang Tsina at Singapore sa isyung panseguridad, at dahil dito, walang humpay na lumalalim ang kooperasyon ng mga hukbo ng dalawang bansa.

 


Ang Shangri-La Dialogue ay isang plataporma para sa pagtalakay ng mga bansang Asyano sa mga usaping panseguridad.

 

Sa panahon ng gaganaping diyalogo, magbibigay ng talumpati ang ministrong Tsino hinggil sa bagong inisyatibang panseguridad ng bansa.

Bukod dito, makikipagtagpo siya sa mga puno ng delegasyon ng kaukulang bansa, para talakayin ang landas na panseguridad at magkasamang pangangalaga sa kapayapaan ng daigdig.

 

Magiging abalang-abala ang petsa ng delegasyong Tsino sa kasalukuyang Shangri-La Dialogue, pero iisa lang ang layon nito - para sa kapayapaan!

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil