Dumalo at nagtalumpati, Hunyo 2, 2023, sa Beijing, si Pangulong Xi Jinping ng Tsina, sa isang talakayan tungkol sa pagpapamana at pagpapaunlad ng kultura.
Binigyang-diin niyang, ang mga tungkuling pangkultura sa bagong panahon ay kinabibilangan ng patuloy na pagpapasulong sa kasaganaan ng kultura, pagtatatag ng malakas na bansa sa kultura, at pagbuo ng modernong sibilisasyon ng nasyong Tsino.
Ani Xi, kinakailangan ang komprehensibo at malalim na pagkaunawa sa kasaysayan ng sibilisasyong Tsino, para pasulungin ang mahusay na inobasyon sa kultura.
Ang sibilisasyong Tsino ay bukas sa pagpapalitan at integrasyon, at katanggap-tanggap sa kulturang Tsino ang mga sibilisasyon sa daigdig, dagdag niya.
Nauna rito, magkahiwalay na naglakbay-suri si Xi sa punong himpilan ng China National Archives of Publications and Culture, at Chinese Academy of History, kung saan inalam niya ang tungkol sa mga natamong progreso ng Tsina sa pangangalaga sa archive at pag-aaral sa kasaysayan.
Editor: Liu Kai