Pagkabangga ng tatlong tren sa India, ikinamatay ng di-kukulangin sa 288 katao

2023-06-03 18:14:00  CMG
Share with:

Ayon sa pinakahuling ulat ng Indian media, di-kukulangin sa 288 katao ang nasawi, at halos 900 naman ang nasugatan, sa aksidente ng pagkabangga ng dalawang treng pampasahero at isang treng pangkargamento na naganap kagabi, Hunyo 2, 2023, sa Estado ng Odisha sa silangan ng India.

 

Ito ay naging pinakagrabeng aksidente sa daambakal, na naganap sa India nitong mga taong nakalipas.

 

Ayon pa rin sa ulat, patuloy pa ang gawain ng paghahanap at pagliligtas, dahil may maraming tao ang nastranded sa mga nadiskaril na karwahe ng tren.


Editor: Liu Kai