Ika-2 expressway ng Kambodya na pinopondohan ng Tsina, sinimulang itayo

2023-06-08 15:17:00  CMG
Share with:

Sa kanyang talumpati Hunyo 7, 2023, sa seremonya ng pagsisimula ng konstruksyon ng Phnom Penh-Bavet Expressway, sa lalawigang Kandal ng Kambodya, tinukoy ni Punong Ministrong Hun Sen ng bansa, na malaki ang pakinabang ng Kambodya at iba pang bansa ng ASEAN sa magkakasamang pagtatatag ng “Belt and Road Initiative (BRI).”

 

Aniya, dala ng BRI ang malalaking proyekto ng pamumuhunan at tulong sa pag-unlad ng imprastruktura, at ito ay nakakapaghatid ng aktuwal na benepisyo para sa ASEAN.

 

Samantala, sa kanya namang hiwalay na talumpati, sinabi ni Wang Wentian, Embahador ng Tsina sa Kambodya, na ang Phnom Penh-Bavet Expressway ay simbolo ng pagkakaibigan at pagtutulungan ng Tsina at Kambodya, at ito rin ay isa pang mahalagang bungang nag-uugnay sa BRI at “Rectangular Strategy” ng Kambodya.

 

Aniya, mahalagang papel ang gaganapin ng Phnom Penh-Bavet Expressway sa pagpapasulong ng kabuhayan ng bansa at konektibidad ng rehiyong ASEAN.

 

Cambodian Prime Minister Samdech Techo Hun Sen (R, front) and Chinese Ambassador to Cambodia Wang Wentian (L, front) attend the groundbreaking ceremony for Phnom Penh-Bavet Expressway, the kingdom's second Chinese-invested expressway, in Kandal province, Cambodia on June 7, 2023. Cambodia on Wednesday broke ground on the second Chinese-invested expressway connecting the capital Phnom Penh with Bavet City of Svay Rieng province on the border with Vietnam. (Photo by Ly Lay/Xinhua)


May habang 135 kilometro, at nagkakalahaga ng mahigit $USD1.3 bilyon, ang nasabing daan ay pinopondohan at itinatayo ng China Road and Bridge Corporation.

 

Ito ang ika-2 expressway sa Kambodya.

 

Salin:Sarah

Pulido:Rhio