Mula Hunyo 6 hanggang 8, dumadalaw sa Saudi Arabia si Antony Blinken, Kalihim ng Estado ng Amerika.
Ito ang ika-3 beses nang pagdalaw ng mataas na opisyal ng Amerika sa Saudi Arabia sa kasalukuyang taon, kasunod nina Direktor William Burns ng Central Intelligence Agency (CIA), at National Security Adviser Jake Sullivan.
Samantala, dalawang pangyayari ang naganap sa rehiyon habang nasa Saudi Arabia si Blinken: una, ang muling pagbubukas ng Emabahada ng Iran sa Saudi Arabia, na isang malaking progreso sapul nang ipahayag ng dalawang bansa ang pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko, sa ilalim ng mediyasyon ng Tsina; at pangalawa, ang pakikipagtagpo ni Mohammed bin Salman Al Saud, Prinsipe Heredero at Punong Ministro ng Saudi Arabia kay dumadalaw na Pangulong Nicolás Maduro Moros ng Venezuala, na tinatanaw ng kapuwa panig na positibong prospek ng kooperasyon at pagkakataon sa pagpapalakas ng ugnayan sa iba’t-ibang larangan.
Kasunod ng pagpapanumbalik ng relasyong diplomatiko ng Saudi Arabia at Iran, sumusulong ang prosesong pangkapayapaan sa Gitnang Silangan.
Dagdag pa riyan, pinataas ng Ehipto at Türkiye ang kanilang relasyong diplomatiko, nakabalik sa Liga ng mga Bansang Arabe (LAS) ang Syria, at naisaayos ang relasyon ng Iran sa Jordan at iba pang bansa.
Kitang-kitang nagsisimula nang mabuo ang isang mas nagkakaisa at indipendiyenteng Gitnang Silangan.
Sa kabilang dako, pangunahing layunin ng madalas na pagpapadala ng matataas na opisyal ng Amerika sa Saudi Arabia ay agarang paghadlang sa pagbabago ng heopulitika sa rehiyon, at iligtas ang sistema ng mga kaalyansa sa Gitnang Silangan, sa pamamagitan ng pagpapatatag ng relasyon sa Saudi Arabia.
Pero napakahirap baguhin ng mga diplomatikong sigasig na ito ang pangkalahatang tunguhin ng rekonsilyasyon sa Gitnang Silangan, dahil ang patakaran ng Amerika ay lubhang salungat sa hangarin ng pagkakaisa at pagtutulungan ng mga bansang naririto.
Salin: Vera
Pulido: Rhio