Ministrong panlabas ng Tsina, bumati sa ika-48 anibersaryo ng relasyong diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at Araw ng Kalayaan ng Pilipinas

2023-06-09 14:45:20  CMG
Share with:

Kaugnay ng ika-48 anibersaryo ng pagkakatatag ng ugnayang diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at Ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, isang liham na pambati ang ipinadala Biyernes, Hunyo 9, 2023 ni Qin Gang, Kasangguni ng Estado at Ministrong Panlabas ng Tsina, kay Enrique Manalo, Kalihim ng Ugnayang Panlabas ng Pilipinas.

 

Saad ni Qin, ang mapagkaibigang pagkakapitbansa ay angkop sa pundamental na kapakanan ng Tsina at Pilipinas at kani-kanilang mga mamamayan.

 

Kasama ng panig Pilipino, nakahanda aniya ang panig Tsino na ipatupad ang mahahalagang komong palagay ng mga lider ng dalawang bansa, igiit ang pangkalahatang direksyon ng mapagkaibigang kooperasyon, pahigpitin ang pagtitiwalaan, palalimin ang kooperasyon, maayos na hawakan ang mga alitan, isaisang-tabi ang mga hadlang, at pasulungin ang tuluy-tuloy, matatag at pangmalayuang pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil