Xi Jinping, positibo sa gagawing misyong pangkapayapaan ng Aprika sa Rusya at Ukraine

2023-06-10 18:19:59  CMG
Share with:

Sa kanyang pakikipag-usap sa telepono, kahapon, Hunyo 9, 2023, kay Pangulong Cyril Ramaphosa ng Timog Aprika, binigyan ng mataas na pagtasa ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina ang pagpapadala ng anim na bansang Aprikano ng isang delegasyong pangkapayapaan sa Rusya at Ukraine.

 

Inulit din ni Xi ang posisyon ng Tsina sa krisis ng Ukraine, na pasulungin ang talastasang pangkapayapaan, at likhain, kasama ng lahat ng mga panig, ang paborableng kondisyon para sa paglutas ng krisis sa pamamagitan ng diyalogo.

 

Ayon naman kay Ramaphosa, ang naturang delegasyon ay bubuuin ng mga lider ng anim na bansang Aprikano na kinabibilangan ng Timog Aprika, at dadalaw sila sa Rusya at Ukraine, para pasulungin ang pagtigil ng sagupaan sa lalong madaling panahon.

 

Ipinahayag din niya ang pagsuporta sa posisyon ng Tsina sa krisis ng Ukraine.

 

Pinag-usapan din ng dalawang lider ang tungkol sa relasyon ng Tsina at Timog Aprika.

 

Sinang-ayunan nilang pasusulungin ang pagtaas ng lebel ng bilateral na relasyon, at palalakasin ang koordinasyon at kooperasyon sa mga multilateral na mekanismo, na gaya ng Tsina at Aprika, BRICS, at iba pa.


Editor: Liu Kai