Ika-48 anibersaryo ng ugnayang diplomatiko ng Tsina at Pilipinas at Ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas, binati ni Xi Jinping

2023-06-09 14:41:26  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala ngayong araw, Hunyo 9, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Pangulong Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr. (PBBM) ng Pilipinas, bilang pagbati sa ika-48 anibersaryo ng pagkakatatag ng relasyong diplomatiko ng dalawang bansa, at ika-125 Araw ng Kalayaan ng Pilipinas.

 

Tinukoy ni Xi na ang Tsina at Pilipinas ay kapitbansa sa ibayo ng dagat.

 

Aniya, sa dalaw-pang-estado ni PBBM sa Tsina noong nagdaang Enero, malalimang nakipagpalitan ng kuru-kuro siya kay PBBM, at nagkaroon ng komong palagay hinggil sa pagpapasulong sa komprehensibo’t estratehikong kooperasyon ng dalawang bansa.

 

Umaasa aniya siyang igigiit ng kapuwa panig ang mapagkaibigang pagkakapitbansa, palalalimin ang pagtitiwalaan at pagtutulungan, maayos na hahawakan ang mga alitan sa pamamagitan ng negosasyon, pasusulungin ang matatag at malusog na pag-unlad ng relasyong Sino-Pilipino sa tumpak na landas, at magkasamang magpupunyagi para sa kapayapaan, katatagan, kaunlaran at kasaganaan ng dalawang bansa at buong rehiyon.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil