Hunyo 12, 2023 – Nag-alay ng mga bulakalak si Pangulong Iris Xiomara Castro Sarmiento ng Honduras sa Bantayog ng mga Bayani ng Bayan sa Tiananmen Square, Beijing.
Sinimulan Castro ang dalaw-pang-estado sa Tsina, Hunyo 9, 2023, matapos putulin ng Honduras ang pormal na pakikipag-ugnayan sa rehiyong Taiwan, at itatag ang relasyong diplomatiko sa Tsina noong Marso 2023.
Bilang tugon, sinabi ng Tsina, na ang pagkilala ng Honduras sa prinsipyong isang-Tsina ay nagbubukas ng bagong panahon, at ang pagbisita ni Castro ay magpapasulong ng lalo pang paglaki ng bilateral na ugnayan ng dalawang bansa.
Salin:Sarah
Pulido:Rhio