Isang aklat ng mga diskurso ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina hinggil sa usapin ng kababaihan, kabataan at mga pederasyon ng kababaihan ang inilathala kamakailan ng Central Party Literature Press (CPLP).
Sapul nang idaos ang Ika-18 Pambansang Kongreso ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) noong 2012, malaking nagsigasig at lubos na pinahahalagahan ng Komite Sentral ng CPC, kung saan ang nukleo ay si Xi Jinping, ang usaping may kinalaman sa pag-unlad ng kababaihan.
Ayon sa CPLP, mahalaga ang katuturan ng mga diskurso ni Xi para sa usapin ng kababaihan sa makabagong panahon, paggigiit sa pundamental na pambansang polisya ng pagkakapantay ng kasarian, at pangangalaga sa lehitimong karapatan at kapakanan ng kababaihan at kabataan.
Inilista ng nasabing aklat ang 174 na kaukulang diskurso mula sa mahigit 50 mahahalahang pangungusap at akda ni Xi mula noong Nobyembre 2012 hanggang Marso 2023, dagdag ng tagalathala.
Kabilang dito, ilang diskurso ang isinapubliko sa kauna-unahang pagkakataon.
Salin: Vera
Pulido: Rhio