Mga medalya para sa Hangzhou 2022 Asian Games, isinapubliko

2023-06-16 16:08:56  CMG
Share with:

Sa okasyon ng 100-araw na countdown para sa pagbubukas ng Hangzhou 2022 Asian Games, opisyal na isinapubliko Huwebes, Hunyo 15, 2023 ang mga medalya para sa palarong ito na pinangalanang Shan Shui, o lawa at bundok sa wikang Tsino.

 


Parang seremoniyal na jade “cong” sa kulturang Liangzhu, ang hugis ng Shan Shui ay binubuo ng isang parisukat na jade sa labas at isang bilog na medalya sa sentro.

 

Kilalang-kilala ang Liangzhu sa prehistorikong sibilisasyon ng pagtatanim ng palay, sensitibong kasangkapang gawa sa jade, at pinakamaagang malawakang network ng konserbasyon ng tubig.

 

Noong 2019, ang Liangzhu ay inilakip ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization (UNESCO) sa listahan ng mga World Heritage Site.

 


Sa isang tagiliran, nakikita ang mga katangiang heograpikal ng Hangzhou bilang isang kapital ng sibilisasyong ekolohikal na may likas na landscapes, maliwanag na tubig at luntiang bundok. Ipinakikita nito ang sportsmanship ng paghahangad ng mas magandang resulta, sa pamamagitan ng sigasig at paghamon sa sarili.

 


Sa kabilang tagiliran naman, may anyo ng isang square seal, na sumisimbolo sa magandang marka ng mga atleta sa Asian Games.

 


Sa ribon sa itaas ng Shan Shui, mayroong three span bridge-shaped buckle na may anino sa tubig, at ito ang katangian ng Jiangnan, katimugan sa lower reaches ng Yangtze River.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil