Seoul, Timog Korea – Nagtipun-tipon Huwebes, Hunyo 22, 2023 ang 18 dalubhasa mula sa Tsina, Hapon, Timog Korea at mga bansa ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN), para talakayin ang mga paksang gaya ng landas at paraan ng pagpapalakas ng kooperasyon sa integrasyon ng kabuhayang panrehiyon.
Inulit ng mga kalahok ang kahalagahan ng pagpapalakas ng kooperasyon ng Tsina, Hapon at Timog Korea ng kooperasyon sa kabuhayang panrehiyon, at ipinagdiinang dapat palakasin ang kooperasyon sa antas ng estado at lokalidad, upang maisakatuparan ang paglago sa kinabukasan.
Ipinalalagay nilang ang maalwang pagpapalitan ng mga tauhan at patakaran ay makakatulong sa pagsasagawa ng tatlong bansa ng mas mainam na kooperasyon sa kabuhayang panrehiyon, sa loob ng balangkas ng Regional Comprehensive Economic Partnership (RCEP).
Anila, dapat palakasin din ng tatlong bansa ang kooperasyon sa ASEAN, upang mapalakas ang ugnayan ng kabuhayang panrehiyon at kakayahan sa pagbangon ng supply chain.
Dapat walang humpay na palalimin ng iba’t ibang bansa ng Silangang Asya ang proseso ng integrasyon, upang maisakatuparan ang mahalagang target ng integrasyon ng kabuhayang pandaigdig, dagdag nila.
Salin: Vera
Pulido: Lito