Kitang-kita ang pagbangon ng merkado ng kultura at turismo ng Tsina sa katatapos na bakasyon ng Dragon Boat Festival, at ang bilang ng mga turista sa Beijing at kabuuang kitang panturismo ay lumampas sa lebel ng gayunding panahon ng 2019.
Ayon sa datos, tinanggap ng 216 na pangunahing tourist spot ng Beijing ang mahigit 5.18 milyong person-time na turista, at ito ay lumaki ng 2.1% kumpara sa gayunding panahon ng 2019.
Samantala, mahigit 309 milyong yuan RMB ang kabuuang kita, na lumago ng 5.8% kumpara sa gayunding panahon ng 2019.
Sa bakasyon ng Dragon Boat Festival, itinanghal sa 129 na teatro ng Beijing ang 203 dula, at ang kabuuang bilang ng pagtatanghal ay umabot sa 708.
Nakahikayat ang mga ito ng mahigit 200,000 person-time na manonood, at halos 60 milyong yuan RMB ang kabuuang kita ng box office.
Kumpara sa bakasyon ng Dragon Boat Festival noong 2019, lumaki ng 125.5%, 75.3% at 156.6% ang bilang ng mga palabas, manonood at kita ng box office, ayon sa pagkakasunud-sunod.
Bukod dito, itinaguyod ng Beijing ang 1,143 kultural na aktibidad para sa mga mamamayan, at kasali rito ang mahigit 1.36 milyong person-time.
Salin: Vera
Pulido: Rhio