CMG Komentaryo: Masiglang turismo sa bakasyon ng Labor Day, patunay ng potensyal ng kabuhayang Tsino

2023-05-05 15:36:08  CMG
Share with:

Ayon sa opisyal na datos ng Tsina, umabot sa 274 milyong person-time ang domestikong turista sa katatapos na bakasyon ng Labor Day sa Tsina, at ito’y lumaki ng halos 71% kumpara sa gayunding panahon ng 2022.

 


Samantala, mahigit 148 bilyong yuan RMB naman ang kita ng domestikong turismo, na lumaki ng halos 129% kumpara sa gayunding panahon ng nakaraang taon.

 

Kasabay ng pag-optimisa ng mga patakaran sa pagpasok at paglabas sa bansa, masiglang-masigla rin ang paglalakbay ng mga turistang Tsino sa ibayong dagat.

 

Ipinakikita ng datos na lampas 18 ulit ang paglaki ng mga outbound travel order mula sa interyor ng bansa.

 


Ang kasiglahan ng biyahe sa nasabing bakasyon ay mahalagang bintana upang ma-obserbahan ang kabuhayang Tsino.

 

Marami sa mga lumabas na datos ng konsumo ay lampas sa ekspektasyon.

 

Ipinakikita nito ang mabilis na pagbalik ng sigla sa panloob ng merkado ng Tsina, at ibayo pang paglakas ng papel ng konsumo sa pagpapasulong sa paglago ng kabuhayan.

 

Ang malakas na pangangailangang panloob ng Tsina ay nakakapagpasigla rin kabuhayang pandaigdig.

 

Ayon sa pinakahuling Regional Economic Outlook for Asia and the Pacific ng International Monetary Fund (IMF), nangunguna sa rehiyon ang ginawang ambag ng Tsina sa paglago ng kabuhayang pandaigdig.

 

Tinaya naman ng Goldman Sachs na hanggang katapusan ng 2023, tataas ng halos 1% ang gross domestic product (GDP) ng buong mundo, dahil sa komprehensibong pagpapanumbalik ng pangangailangang panloob ng Tsina.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio