Pagtaas sa ranggong heneral ng mga opisyal-militar, ipinag-utos ni Xi Jinping

2023-06-29 14:47:21  CMG
Share with:


Inilabas, Miyerkules, Hunyo 28, 2023 ni Xi Jinping, Tagapangulo ng Central Military Commission at Pangulo ng Tsina, ang kautusan na nagtataas sa ranggong heneral sa dalawang opisyal-militar ng Tsina.

 

Ang nasabing dalawang opisyal ay sina Zheng Xuan, political commissar ng Northern Theater Command ng People's Liberation Army (PLA), at Ling Huanxin, political commissar ng Academy of Military Sciences.

 

Ipinaabot din ni Xi ang pagbati sa kanila.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio