Pagpapabuti sa kalidad ng pag-oorganisa ng Partido, ipinagdiinan ni Xi

2023-06-29 16:33:00  CMG
Share with:

Sa isang patnubay na inilabas kamakailan, hinimok ni Xi Jinping, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Pangulo ng bansa, ang lahat ng miyembro ng Partido na malalimang unawain ang mahalagang teorya ng CPC sa pagtatayo at pagpapabuti sa kalidad ng pag-oorganisa ng Partido.

 

Ang nasabing patnubay ay pinag-aralan sa pambansang komperensya sa gawain ng pag-oorganisa na ginanap Miyerkules at Huwebes, Hunyo 28 at 29, 2023.

 

Sa ngalan ng Komite Sentral ng CPC, ipinaabot din ni Xi ang pagbati sa lahat ng mga miyembro ng Partido sa bisperas ng ika-102 anibersaryo ng pagkakatatag ng CPC sa Hulyo 1.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio