Bakit inilunsad ng CPC ang kampanya ng thematic education sa buong partido?

2023-04-06 15:39:29  CMG
Share with:

Para matutunan at maipatupad ang Kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Makabagong Panahon, napagpasiyahan sa pulong kamakailan ng Pulitburo ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), na simula Abril 2023, ilulunsad ang dalawang kampanya ng thematic education sa buong partido.

 


Sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC na ginanap noong nagdaang Oktubre, tiniyak ang blueprint ng pag-unlad ng Tsina sa darating na 5 taon at mas mahaba pang panahon.

 

Inilakip sa Konstitusyon ng CPC ang Kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Makabagong Panahon, at nagsilbi itong patnubay sa mga aksyon ng CPC.

 


Sa pamumuno ni Xi, ginagawa ng bagong lideratong Tsino ang “pagtatatag ng mas malakas na bansa, at pag-ahon ng nasyon” bilang estratehikong target ng pag-unlad ng kabuhayan at lipunan sa hinaharap.

 

Ang paglulunsad ng thematic education ay mahalagang hakbangin sa pagpapatupad ng mga kapasiyahan at planong ginawa sa Ika-20 Pambansang Kongreso ng CPC.

 


Tinukoy ni Xi na layon ng serye ng thematic education na patnubayan ang buong partido upang tandaan ang orihinal na aspirasyon at misyon ng CPC, at palagiang panatilihin ang ugnayan sa mga mamamayan.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio