Inilathala at maaaring bilhin sa buong bansa ang isang aklat hinggil sa Kaisipan ni Xi Jinping hinggil sa Sosyalismong May Katangiang Tsino sa Makabagong Panahon.
Ang paglalathala ng aklat ay kasunod ng paglulunsad ng kampanya ng pag-aaral at pagpapatupad ng lahat ng mga miyembro Partido Komunista ng Tsina (CPC) ng nasabing kaisipan ni Xi sa buong partido.
Inilakip sa aklat ang mga hango ng mahigit 410 piraso ng ulat, talumpati, paliwanag, artikulo, liham na pambati at instruksyong ginawa ni Xi, Pangkalahatang Kalihim ng Komite Sentral ng CPC mula noong Nobyembre 15 ng 2021 hanggang Marso 15 ng 2023.
Salin: Vera
Pulido: Ramil