Vlog ni Sissi:Zibo food tour sa Badaju Market

2023-06-30 15:54:31  CMG
Share with:


Kumusta po mga kaibigang Pinoy, ito po si Sissi. Kahapon, dahil kailangang habulin ang tren at pumila ako nang isang oras para kumain ng BBQ, alas-11 ng gabi na ako nakarating sa hotel at medyo late na rin akong nagising kaninang umaga. Pero, hindi ako kumain ng agahan sa hotel para mamasyal at kumain ako dito sa Badaju Market. Titignan ko din ang BBQ at kung ano bang pagkain ang hindi dapat mamiss dito sa lunsod ng Zibo.

 

Internet-famous na stir-fried pancake, Internet-famous na purple rice pie, Internet-famous na cup cake, Internet-famous na pumpkin stick. Sa simula pa lamang ang Badaju Market ay isang karaniwang wet market sa loob ng residential area na kung saan ang mga local cuisine at street food ng Zibo ay pinag-tipun-tipon, dahil maraming pagpipilian, masarap at mura. Sa biglaang pag-viral sa social media, naging isang must-visit na food street para sa mga turista ang pamamasyal sa lunsod ng Zibo.

 

Ang Shandong ay isang malaking production base ng trigo sa Tsina, kaya ang napakaraming snack food dito ay gawa sa wheat flour. Halimbawa, ito ang stirfried pancake na ginawa sa isang karinderya sa Badaju. Pinrito muna ang plain flavor na pancake, tapos, ini-stir-fry kasama ng white pepper, sugar, white sesame, chili powder at ibang seasoning. Crispy, malasa ang stir-fried pancake at medyo mahaba ang storage life, isang magandang pagpipilian para gawing pasalubong. 50 piso bawat kaha.

 


Ang bagay na nakakatawag ng pansin ng mga lola ay ito, purple rice pie. Tingnan ninyo ang mahahabang pila na ito. Walang tao na puwedeng tanggihan ang matamis na amoy ng bagong lutong rice at cake, at napakamura ng presyo, mga 50 piso kalahating kilo.

 

Sa kabila ng purple rice pie, meron isang bagong bukas na pastry booth na nagbebenta ng cream bread stick, dalawang flavor, cheese at chocolate. Sa simula pa lang, wala akong balak bilhin ito, pero, pagkaraang subukan ko ang isang piraso, ipinaalala nito sa akin ang isang lasa ng street ice cream sandwich ng Manila. Miss na miss ko ang lasa na ito, kaya, bumili ako nang dalawang kaha, 120 piso.

 

Gustong gusto ko ang market na ito, kasi, hindi lamang makakatikim ng mga street food, kundi, makakakita rin ng proseso ng paggawa ng mga pagkain, tulad ng corn cake na ginagawa ng mga ate. Sa harap ninyo, binabalatan ni ate at pinuputol ang mga mais, tapos, inilalagay ang mais sa gilingan at i-nibabake sa pan. Ang lahat ng miyembro sa tindahang ito ay babae. At malambot na malambot ang corn cake, walang sugar, walang ibang additives, purong lasa ng mais. Yummy at mura, 40 piso, tatlo. 

 


Bukod diyan, gusto ko ring tikman ang cream stick, old style cream cake, BBQ chicken ribs, boshan pancake at steamed buns with pork intestines pero, dahil mahaba ang mga pila sa halos lahat ng karinderya. Sayang, baka next time na lang, sa weekdays, less tourists.

 

Sa wakas, kapuri-puri ang serbisyo ng Badaju. Para sa mga turista, bago umalis ng Zibo, puwedeng ilagay muna ang mga bagahe sa storage room, kumain at mag-shop sa Badaju market, tapos, magdala ng mga pasalubong sa delivery station. Tapos, magpahinga sa upuan. 

 

Btw, sa pasukan ng Badaju market, meron mga esepsyal na shuttle bus na tumatakbo at umiikot sa train station at mga tourist spot sa loob ng Zibo. Napakaconsiderate, di ba?

 

Ok, diyan nagtatapos ang aking vlog para sa Badaju Market, sa susunod na episode, patuloy ang biyahe natin sa lunsod ng Zibo sa Shandong Province ng Tsina at magkasamang mamamasyal sa isa sa mga pinakamagandang bookstore ng Tsina. Ito muli si Sissi, kita-kits, bye bye.


Video Editor: Sissi


Pulido: Ramil