Vlog ni Sissi-Pumitas ng mailap na gulay sa Qingming Festival

2023-04-12 14:45:17  CRI
Share with:

Tagsibol na sa Tsina at tumutubo na ang mga halaman, oras na para pumitas ng malunggay.

 

Maikli lang ang tagsibol ng Beijing, isang linggong hindi pinag-uukulan ng pansin, nagdahon na ang mga puno at natuyo na din ang mga pear blossom at cherry blossom. Fortunately, bumubuka na rin ang mga peach blossom.

 

Ang ganda ng mga peach blossom, halos nalimutan ko na kung anong gagawin natin ngayong araw.

 

Gustong gustong kumain ng mailap na gulay ang mga Chinese. Sa palagay namin, ang mga bagong talbos/sprout ay kumakatawan sa tagsibol at ito ay simbolo ng bagong buhay at bagong pag-asa. Moreover, ang mga ito ay organic, mayaman sa bitamina at merong ekstrang epekto, puwedeng gamutin ang mga sugat sa loob at labas ng katawan.

 

Halimbawa, ito ang seedling ng dandelion, makakabuti daw ito sa pagbabawas ng bukol at pagtigil ng sakit. Ang Shepherd's Purse naman ay mayaman sa Vitamin C at fiber, puwedeng mapasulong ang metabolism at eyesight. Itong Hemisteptia lyrate (lyrata), puwedeng tulungan ang atay, tiyan at paglaki ng buto. At ang Andrographis Paniculata, puwedeng gamutin ang diarrhea.

 

Ang lahat ng mga seedling, dinala sa bahay, magpakulo nang 30s-1min. Tapos, dagdagan ng konting soysauce, konting suka at konting sesame oil. Simple, pero, sariwa at masarap.

 

Video Editor: Sissi


Pulido: Ramil