Vlog ni Sissi-Mural sa Fahai Temple

2023-05-05 12:07:33  CRI
Share with:

Gusto nyo bang gumugol ng 800 piso para pagmasdan ang isang pinta?

 

Tingnan nyo, ito ang mural na pininta nang mahigit 600 taong nakalipas. Pero hanggang sa ngayon, maliwanag pa din ang mga kulay, at makikita nyo pa ang blood capillary ng fox.

Ano ang sikreto ng pagpapanatili ng mga kulay? Ang sagot ay nasa pigment. Ang lahat ng kulay na ginamit ng mga pintor ay galing sa mineral. Malachite, Cinnabar, Lazurite, mga mahal na klase ng bato, kaya nga, matibay ang mga pintura, parang bato lang.

 

Bukod  sa  pagkakumpleto, napakagaling ng kasanayan ng pintor. Tingnan natin ang pintang ito, sa paghahambing ng brightness at contrast, parang ginamitan ito ng glasses-free 3D technology, at pinag-ukulan ng pansin ang mga kuwintas at pulseras, ang lahat ng ginintuang linya ay convex, stereoscopic at tinakpan ng goldleaf.

Ngayon, ang mural sa Faihai Temple ay naging national treasure at tinaguriang isa sa tatlong pinakamagandang mural ng Tsina, kasama ng Dunhuang frescoes sa probinsyang Gansu at Yongle Palace Murals sa probinsyang Shanxi.

Kapag tinitignan ang mga pinta, huwag pataasin ang ulo at pagmasdan ang tatlong mandala caisson ceiling na itinatag noong ika-14 na siglo. Ang Mandala, sa sinaunang wikang Sanskrit, ay nangangahulugang lugar na pinagtitipunan ng mga wise and holy man. At ang mga decorative pattern naman ay para dasalan ang pagiging ligtas ng buong gusali.

 

Sa labas ng main building, meron dalawang white bark pine na may mahigit 1000 taong na. At meron isang kasabihan, ang pagpapanatiling kumpleto ng mga pinta ay dapat magpasalamat sa dalawang white-barked pine, sila ay parang dalawang bantay na matapat na pinoprotektahan ang mga pinta sa mahabang panahon.

 

Sa gawing silangan ng main building, meron pang isang malaking batingaw na tumimbang ng 1 tonelada. Actually, ito rin ay ang isang notebook na inirekord ang mga proverb, iskedyul ng pagtatag ng temple at pangalan ng mga donor.

Pagkatapos ng pagbisita sa Fahai Temple, huwag kalimutang daanan ang Fahai Temple Mural Art Center. Sa tulong ng light and shadow technology at video clip, step by step na ipinakita ang proseso ng pagkakatatag ng Faihai temple at mga skill na inadopt ng mga pintor kapag magpipinta ng mural.

 

BTW, napakasikat ng Fried Cake sa walking street sa labas ng Fahai Temple, aray, ang init! Meron redbean sa loob at ang lasa ay hindi sobrang matamis, Sarap!