Sa okasyon ng ika-26 na anibersaryo ng pagbalik ng Hong Kong sa inangbayan at ika-3 anibersaryo ng pagpapairal ng Batas sa Pambansang Seguridad ng Espesyal na Rehiyong Administratibo ng Hong Kong (HKSAR), ipinahayag, kahapon, Hunyo 30, 2023, ng Tanggapan ng Komisyoner ng Ministring Panlabas ng Tsina sa HKSAR, na sa tulong ng batas na ito, napanumbalik sa Hong Kong ang katatagan at kasaganaan, mula sa kaguluhan at karahasan noong unang panahon, at ang paggawa ng iilang bansa ng mga iresponsableng bagay tungkol sa batas na ito ay pakikialam sa mga suliraning panloob ng Tsina.
Winika ito ng naturang tanggapan bilang tugon sa pagpapalabas kamakailan ng ilang senador ng Amerika ng pahayag tungkol sa mga suliranin ng Hong Kong at pagdaraos ng mababang kapulungan ng parliamento ng Britanya ng debatehan tungkol sa Batas sa Pambansang Seguridad ng HKSAR.
Sinabi ng naturang tanggapan, na sapul nang pairalin ang batas sa pambansang seguridad, napabuti ang pangangasiwa alinsunod sa batas at kapaligirang pangnegosyo sa Hong Kong, at naging mas matatag at magkaisa ang lipunan.
Sinipi rin ng tanggapan ang mga resulta ng magkahiwalay na sarbey na ginawa noong Abril at Marso ng isang lokal na organisasyong panlipunan at American Chamber of Commerce in Hong Kong, na nagsasabing ipinalalagay ng mahigit sa 80% ng mga kinapanayam na residente sa Hong Kong na napabuti o lubos na napabuti ang lokal na kalagayan ng seguridad, at ipinakita ng mahigit 70% ng mga kompanyang Amerikano sa Hong Kong ang kompiyansa sa pangangasiwa alinsunod sa batas sa rehiyong ito.
Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos