Eksibisyong “Journey Through Civilizations” ng CMG, bukas sa publiko sa punong himpilan ng UN

2023-07-01 16:40:57  CMG
Share with:

 

Idinaos Hunyo 29, 2023, local time, sa punong himpilan ng United Nations (UN) sa New York, ang seremonya ng paglulunsad ng “Journey Through Civilizations,” isang interactive exhibition na itinataguyod ng China Media Group (CMG) tungkol sa mga sining at pamanang kultural ng Tsina at pagpapalitang pangkultura ng Tsina at daigdig.


 

Sa kanyang video speech sa seremonya, sinabi ni Shen Haixiong, Presidente ng CMG, na ang pagiging inklusibo ay isang mahalagang elemento ng sibilisasyong Tsino, at dahil dito, yumayabong ito sa pamamagitan ng pagpapalitan at pag-aaral sa isa’t isa kasama ng ibang mga sibilisasyon ng daigdig.

 

Dagdag niya, ang pagtataguyod ng CMG ng eksibisyong ito ay para isabalikat ng tungkulin ng media na palakasin ang pandaigdigang pagpapalitang pangkultura, at pasulungin ang diyalogo sa buong mundo.

 


Bumigkas naman ng talumpati sa seremonya sina Zhang Jun, Pirmihang Kinatawan ng Tsina sa UN; Miguel Angel Moratinos, Mataas na Kinatawan ng UN Alliance of Civilizations; at Lily Gray, Senior Liaison Officer ng Tanggapan ng United Nations Educational, Scientific, and Cultural Organization sa New York.

 

Ipinahayag nila ang pagpapahalaga sa dibersidad ng sibilisasyon, at umaasa silang mapapalakas ang pagpapalitan ng iba’t ibang sibilisasyon, para pasulungin ang pandaigdigang kapayapaan.

 


Bukas ngayon sa publiko ang eksibisyong “Journey Through Civilizations” sa punong himpilan ng UN sa New York, at tatagal ito hanggang Hulyo 7. Pagkatapos, idaraos din ang world tour ng eksibisyon sa Britanya, Ehipto, Kenya, Peru, at iba pang mga bansa.


Editor: Liu Kai
Pulido: Ramil Santos