Paglikha ng bagong kayarian ng paghahanda sa digmaan, ipinagdiinan ni Xi sa inspeksyon sa Eastern Theater Command ng PLA

2023-07-07 15:09:06  CMG
Share with:

Sa kanyang paglalakbay-suri Huwebes, Hulyo 6, 2023 sa punong himpilan ng Eastern Theater Command ng People’s Liberation Army (PLA) sa lalawigang Jiangsu, ipinagdiinan ni Xi Jinping, Tagapangulo ng Central Military Commission at Pangulo ng Tsina, na pag-ukulan ng pokus ang mga target para sa sentenaryo ng PLA, at buong sipag na likhain ang bagong kayarian ng pag-unlad ng theater command at paghahanda para sa digmaan.

 

Sa ngalan ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC) at Central Military Commission, ipinaabot ni Xi ang pangungumusta sa lahat ng mga opisyal at sundalo.

 


Binigyan niya ng lubos na pagpapahalaga ang mahahalagang ambag na ginawa ng nasabing komand para sa pagtatanggol ng soberanyang teritoryal, karapatan at kapakanang pandagat, at pagkakaisa ng nasyon.

 

Hinimok niyang dapat pagbutihin ang pagpaplano sa digmaan at labanan, palakasin ang sistema ng komand para sa mga magkasanib na operasyon, at pag-ibayuhin ang pagsasanay sa kondisyon ng real combat, para mapataas ang kakayahan ng hukbo sa paglaban at pagtatagumpay.

 

Diin niya, dapat may tapang at kakayahan ang armadong puwersa para sa paglalaban at pangangalaga sa soberanya, seguridad, at kapakanang pangkaunlaran ng bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil