Mensaheng pambati, inihayag ni Xi Jinping sa muling panunungkulan ni Julius Maada Bio bilang Pangulo ng Sierra Leone

2023-07-06 18:05:35  CMG
Share with:

Isang mensahe ang ipinadala Miyerkules, Hulyo 4, 2023 ni Pangulong Xi Jinping ng Tsina kay Julius Maada Bio, kaugnay ng kanyang muling panunungkulan bilang Pangulo ng Sierra Leone.

 

Ani Xi, nitong nakalipas na ilang taon, tuluy-tuloy na lumalakas ang pagtitiwalaang pulitikal ng dalawang bansa, mabungang-mabunga ang pragmatikong kooperasyon, at malakas ang koordinasyon sa mga suliraning pandaigdig.

 

Kasama ni Pangulong Bio, nakahanda aniya siyang magpunyagi, sumuporta sa isa’t-isa, at magtulungan, upang pasulungin ang walang humpay na pag-unlad ng komprehensibo’t estratehikong partnership ng Tsina at Sierra Leone, at ihatid ang mas maraming benepisyo sa mga mamamayan ng dalawang bansa.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Rhio