Kaukulang maneobra ng bapor ng Coast Guard ng Tsina sa paligid ng Ren’ai Reef, propesyonal at mapagtimpi – MOFA

2023-07-07 15:18:52  CMG
Share with:


Nang sagutin ang kaukulang tanong ng mamamahayag sa regular na preskon Huwebes, Hulyo 6, 2023, isinalaysay ni Tagapagsalita Wang Wenbin ng Ministring Panlabas ng Tsina na ang Ren’ai Reef ay bahagi ng Nansha Islands ng Tsina.

 

Aniya, noong Hunyo 30, walang pahintulot na pumasok ang mga bapor ng Philippine Coast Guard sa rehiyong pandagat sa paligid ng Ren’ai Reef.

 

Alinsunod sa batas, isinagawa ng bapor ng coast guard ng Tsina ang mga aktibidad ng pagpapatupad ng batas, upang ipagtanggol ang soberanyang teritoryal at kaayusang pandagat ng Tsina, dagdag niya.

 

Diin ni Wang, propesyonal at mapagtimpi ang kaukulang maneobra.

 

Salin: Vera

 

Pulido: Ramil