Disenyo ng medalya ng Hangzhou Asian Para Games, inilabas na

2023-07-15 17:45:49  CMG
Share with:

 

Nagsimula, Hulyo 14, 2023 ang 100-araw na countdown ng Asian Para Games sa Hangzhou, lunsod sa silangan ng Tsina.

 

Kasabay nito, inilabas ang disenyo ng mga medalyang ipamimigay sa palaro.

 

Tinatawag na "Osmanthus Grace," ang medalya ay isang mahalagang elemento ng Asian Para Games sa Hangzhou, kasama ng official emblem na "Ever Forward," mascot na si "Feifei," color system na "Meeting the World," at torch "Laurels."

 

Ang medalya ay may hugis ng Liangzhu jade, at sa ibabaw nito ay mga nililok na dibuho ng sweet osmanthus, bulaklak ng lunsod ng Hangzhou.

 

Ayon sa tagapag-organisa, ito ay parangal para sa kagalingan, kasipagan, at kagandahang-loob ng mga manalalaro ng Hangzhou Asian Para Games.


Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan