Sa kanyang pagdalo sa Ika-13 Pulong ng mga Ministrong Panlabas ng East Asia Summit, Hulyo 14, 2023, sa Jakarta, Indonesya, nanawagan si Wang Yi, Direktor ng Tanggapan ng Komisyon ng mga Suliraning Panlabas ng Komite Sentral ng Partido Komunista ng Tsina (CPC), para sa epektibong suporta ng mga may kinalamang panig sa sentralidad ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN).
Ito aniya ay lilikha ng batayan para sa kapayapaan ng rehiyon.
Nakahanda aniya ang Tsina na pangunahan ang paglagda sa protokol ng Treaty on the Southeast Asia Nuclear Weapon-Free Zone, para pasulungin ang pagiging ligtas sa sandatang nuklear ng rehiyon.
Dagdag ni Wang, hindi makatuwiran ang pakikisangkot ng North Atlantic Treaty Organization sa Silangang Asya.
Ang kapayapaan ay para sa lahat ng mga bansa sa rehiyong ito, at hindi dapat nakabatay sa hangarin ng iilang bansa ang ganap na seguridad, diin niya.
Editor: Liu Kai
Pulido: Rhio Zablan