Pagbibigay komento ni Embahador Jaime A. FlorCruz
Sa kanyang pambungad na pananalita, Sabado, Hulyo 15, 2023, sinabi ni Jaime A. FlorCruz, Embahador ng Pilipinas sa Tsina na ikinagagalak niyang maanyayahan ang mga Pilipinong estudyante sa Embahada ng Pilipinas sa Beijing.
Natutuwa siya na magkakasama ang lahat ng mga Pilipinong estudyante upang makilala ang isa't isa at makapagpalitan ng mga karanasan, kaya ang salusalo ay espesyal para sa lahat.
Saad niya, una siyang dumating sa Tsina noong Agosto 1971, kasama ng 14 na iba pang lider ng kabataan at estudyante para sa isang tatlong-linggong study tour, na may layuning makita at kumuha ng mga ilang pag-aaral tungkol sa Tsina.
Sa mga panahon na siya ay isang estudyante pa lang, madalas siyang nakakaranas ng pangungulila sa pamilya, kaibigan at pagkaing Filipino. Kaya, masarap na maimbitahan sa embahada at sa mga tahanan ng mga diplomata, at makakain ng mga pagkaing Filipino.
Kaya nagaglak siya, kasama ng kanyang asawa na si Mme. Ana Segovia FlorCruz na mag-host ng mga estudyante na may lutong bahay.
Sa kanyang pagbibigay payo sa mga mga estudyante, sinabi niya na habang narito ang mga estudyante sa Beijing, bumuo ng network sa mga kumpanya o organisasyong Tsino, kung hindi man, sa mga Pilipinong nag-ooperate na dito sa Tsina.
Maghanap ng mga internship, bayad man o hindi, magboluntaryo para sa mga kapaki-pakinabang na aktibidad at adbokasiya, maaari kang matuto hangga't kaya mong makakilala ng mga bagong tao.
Sa inyong pag-uwi, mapapabilang ka sa piling pangkat ng mga Pilipinong nagsasalita ng wikang Tsino at marunong mag-navigate at mabuhay sa Tsina. Iyan ay mga premium na kredensyal kaya gamitin ang mga ito sa iyong kalamangan.
Dagdag pa niya, ibalik ninyo sa inyong pamilya at mga sumusuporta sa iyo, ibahagi ang inyong nakita at natutunan, at hikayatin silang malaman ng higit pa ang Tsina, ang ating mahalagang kapitbahay.
Bahagi na kayo ng peope-to-people exchanges ng Pilipinas at Tsina, kaya sa maraming pagkakataon, kayo ay halos mga embahador na sa Tsina.
Short film poster ng Oppa-Wikan
Samantala, sa naturang pagtitipon, ipinalabas ang Oppa-Wikan, isang short film tungkol sa buhay ng isang Korean-Filipino na nangarap makauwi sa Timog Korea upang makasama ang kanyang nawalay na ama.
Sa kabila ng tulong ng kanyang matalik na kaibigan at paboritong tiyuhin, kailangang tanggapin ni Josh ang kanyang ina, ang kanyang pagkakakilanlan, at napagtanto na tahanan ang kanyang ginagawa.
Charmaine Magbuhos, estudyante mula sa Tsinghua University
Tinalakay ni Charmaine Magbuhos, kumukuha ng Master's in Journalism sa Tsinghua University, ang short film na Oppa-Wikan, kung saan binigyan niya ng pananaw ang pagbabalik at pananatili ng bidang aktor sa Pilipinas.
Para kay Char, kabaligtaran ang naging sitwasyon niya dahil mas nais niyang manatili siya sa Tsina. Sinubukan niyang magtrabaho sa Pilipinas ngunit, dahil sa tumataas na kompetisyon at epekto ng inflation rate, nahihirapan siya na maghanap ng trabaho at hindi sapat ang kita upang tustusan ang mga pangangailan.
Bilang isang dayuhan na marunong magsalita ng wikang Tsino, Ingles, at Tagalog, at may kaalaman tungkol sa Pilipinas, maaari niyang gamitin ito upang pagkakitaan habang nandito sa Tsina sa pamamagitan ng pagbabahagi ng kultura ng Pilipinas.
Documentary film poster ng Hugo: A Hidden Past Revealed
Ipinalabas din sa pagtitipon ang Hugo: A Hidden Past Revealed, isang dokyumentaryo tungkol sa bul-ul, isang tradisyonal at iconic Ifugao human-like wood carving mula sa hilagang kabundukan ng Pilipinas, at iba't ibang claim tungkol sa pinagmulan, paggamit, at paggana nito.
Ito ay isinilang nang masaksihan ang isang tradisyunal na ritwal ng pasasalamat sa Rehiyon ng Cordillera, kung saan ang bul-ul ay ginagamit ng mga tribo ng Ifugao bilang isang daluyan upang tawagan ang presensya ng mga espiritu ng ninuno upang biyayaan ang kanilang mga seremonya.
Ernest Lance H. Loyola, estudyante mula sa Beijing Jiaotong University
Ayon kay Ernest Lance H. Loyola, graduate ng Civil Engineering mula sa Beijing Jiaotong University, pumukaw ng atensyon niya ang paghahanap ng tunay na katotohanan sa likod ng ingay ng kasalukuyang naitatag na kaalaman tungkol sa dokyumentaryong Hugo: A Hidden Past Revealed.
Bagama't may naitatag ng kaalaman at impormasyon tungkol sa mga bul-ul, may mga taong sinubukang katawanin ito ng maayos. Bilang isang Pilipinong naninirahan sa Tsina, nais niyang humingi ng payo kung paano ito tamang kakatawanin ng Pilipinas.
Sinabi ni Emb. Jaime na maging totoo ng walang pagpapanggap, dahil ang mga tao ay naghahanap, kaakit-akit ang pagiging totoo. Bilang kumakatawan sa ating bansa dapat ito ay may kababaang-loob, sense of purpose, at sipag at tiyaga.
Isa sa mga magagandang angking talino ng mga Pilipino ay pinapa-wow natin ang lahat ng ating mga talento, kagandahan, kalakasan. Kung tayo ay mapagkumbaba, talagang tinutunaw natin ang puso ng mga tao na tunay tayong mapagkumbaba.
Nagnenetworking ang mga Pilipinong estudyante
Group photo ng mga Pilipinong estudyante, Amb. Jaime A. FlorCruz, at Mme. Ana Segovia FlorCruz
Sa pagtatapos ng salusalo, nabigyan ng pagkakataon ang bawat Pilipinong estudyante na magbahagi ng kanilang karanasan at magbigay ng payo sa tamang unibersidad na nag-aalok ng nais kuning kurso.
Ulat at Larawan: Ramil Santos